POLL: Kaninong Leading Man Nababagay Si Angelica Panganiban?

  • September 25, 2018
  • INSIDESHOWBIZ.PH TEAM

Nag-salita na si Angelica Panganiban ayon sa mga chismis na nagli-link sa kanya sa apat na aktor na nabibilang ang ex-boyfriend at ex-love team partner niya na si Carlo Aquino, JM de Guzman, JC Santos, at Zanjoe Marudo.

RELATED: Carlo Aquino and Angelica Panganiban Share What They Missed Most About Each Other

Sa isang panayam, anya ni Angelica, “Wow! Sobrang ganda ko! Thank you Lord for this face!” sabay tawa ng aktres.

Madalas napapasama ngayon sa usapan pag si Angelica ang paksa ang pangalan ni Carlo Aquino na siya ngang ex-boyfriend ng aktres at ang kanyang c0-star sa pinakabago nilang pelikulang may titulong Exes Baggage. 

Isa pa sa mga nali-link kay Angelica ay ang dati niya namang leading man sa That Thing Called Tadhana na si JM de Guzman. Ngunit wala namang pinagsamahan ang dalawa bukod sa trabaho, marami parin ang kinikilig sa tambalang Angelica at JM.

Kasabay ng pagkalabas ng Exes Baggage ay ang Playhouse, ang bagong teleserye sa ABS-CBN na binibidahan ni Angelica at ni Zanjoe Marudo, isa rin sa mga nililink sa aktres.

Ang huli namang nililink kay Angelica ay si JC Santos na kahit hindi pa nakakatambalan ng aktres sa kahit anong proyekto, ay napag-usapan parin dahil nakita silang magkasama sa Hong Kong. Mas dumami ang usapan ukol sa dalawa nung kumalat ang litrato na muntik na silang mag-halikan.

Sa apat na lalakeng nalilink sa aktres, mas kanino kayo pabor na maging leading man ni Angelica?

Kaninong Leading Man Nababagay Si Angelica Panganiban?