EXCLUSIVE: Sarah Geronimo Reveals Definition of True Beauty

  • July 12, 2016
  • INSIDESHOWBIZ.PH TEAM

Actress-singer and Myra E ambassador Sarah Geronimo occupies a respective lane in the industry of showbiz. He remarkable acting chops and astounding singing skills make her one of the most respectable artists in local entertainment scene.

Despite living a hectic schedule, Sarah is strict when it comes to taking care of herself. The actress surprisingly has an awe-inspiring level of discipline in maintaining her beauty and health:

How do you keep your glow despite your busy schedule?

Importante na health conscious ka at the same time ‘di rin naman maganda na masyado kang strict sa pagkain na kinakain mo, to the point na ‘di ka na masaya kase simple joy ‘yun. Simple joy yan yung na-eenjoy mo yung pagkain, in moderation of that I try to eat healthy balance nutrition, balance diet — vegetables, protein, ‘yung carbs, ‘yung sweets. Tapos syempre nag wo-work out, importante mag-work out para sa health natin, sa stamina natin. Tayong nag tra-trabaho, endurance natin and focus na rin yung pagiging physically fit. And of course yung vitamin E na very important. Nag bibigay siya ng holistic skin care. It repairs and protects our cells from the inside, so iba ‘yung glow na lumalabas mas nakikita at para long lasting. 

It’s a common knowledge that celebrities are always tired and deprived of sleep — which are factors of having an unhealthy skin. Are you afraid of aging?

No, not at all. I’m not afraid of aging because I take the right vitamins with anti-aging content.

What is true beauty for Sarah Geronimo?

Yung meron kang inner peace, kuntento ka sa buhay mo, masaya ka sa klase ng buhay or grateful ka sa bawat blessing na binibigay sa’yo ng Diyos. Iyon siguro ‘yun kasi ‘pag may peace ka ‘di ka na mag-iisip na namimiss ko ba siya? Namimiss ko ba ‘to? Okay ba itsura ko or everything? So yun (true beauty is) inner peace. Syempre when you have inner peace meron kang maganda at maayos na relasyon sa mga tao, wala kang kaaway or ka-alitan. May harmony lang. (‘Yung mga negative around) Ibig sabihin iwasan lang, dadating ‘yung point na maapektuhan ka rin pero babalik ka pa rin sa kung sino ka ba talaga.

How do you juggle your personal life/love life?

Noon iyan yung naging problem namin, noong nag-sisimula pa lang ako. Kasi sabay-sabay yung projects ko singing, acting, movies (as supporting role). Nag-suffer ‘yung health, yung boses na damage pero from then on inayos  na naming yung schedule na dapat hindi sabay-sabay. 

Now, I’m not having a hard time anymore in balancing work and personal life. Sobra akong blessed at privileged sa manager ko, na parang pangalawang tatay ko na rin. Sobrang understanding at ‘pag kailangan mo ng kausap, kakausapin mo lang siya at papakinggan ka niya bibigay niya sayo ‘yung free time na hinihingi mo, kaya sobra akong swerte. Kasi nga nag kaka-edad na tayo. Nandoon ‘yung mutual respect, kasi noong bata ako syempre nilalatag sa’yo ‘yung proyekto na “gawin mo ‘to, gawin mo ‘to” ngayon ina-acknowledge nila na adult na tayo mas binibigyan ng freedom or kung ano mang project ‘yung gagawin ko or kung paano ayusin ‘yung schedule ko (refers to manager) they are always willing to listen.

 

It’s a given that you’re very successful now and a lot of aspirants look up to you, they see you as their peg someday in showbiz industry. Now that you’ve reached this stage of your career, do you plan on settling now or anytime soon?

(Settling down) Syempre na-iisip, kasi nasa marriage age na rin ako pero siguro secondary na  lang ‘yun. Unang-una more on finding your true purpose kung ano ba talaga ‘yung purpose na binigay sa’yo ng Diyos kung bakit nilagay ka sa ganitong klaseng industriya, kasi katulad ng sinabi ko kanina na kung wala kang peace na dumadating ka sa point na parang lost ka or may trials ka na pinag dadaanan, babalik at babalik ka pa rin sa bakit ka ba nandito, ano bang purpose ng buhay mo? Kung anong binigay sa’yong talent, it’s finding that purpose, your purpose. Communicating with God, continuous ‘yung communication mo sa kanya kasi pag wala yun mababaliw ka talaga kasi mahirap ‘yung pressure ng trabaho sa show business kasi gusto maging relevant all the time. Pag inisip mo na may hits ako, puno lagi yung concert ko kailangan yung essence mo, essence ng talent na binigay sa’yo ng DIyos mo to give back all the glory to Him. Nagiging “all the glory” to yourself para sa mga tao for everybody. Iyon ‘yung kailangang continuous na mindset natin.

 

What’s your message of advice to the aspirants? 

Don’t do it for fame, for popularity or for pleasing people because you will never be happy. Yung kasikatan yung pera, approval ng mga tao ay magiging ultimate goal mo yung ultimate goal mo should be the purpose kung ano mang binigay sayo ng Diyos. Never ma-consume ng kasikatan kase iibahin ka niya and you will never be happy.


Leave a Reply

Your email address will not be published.